
Kuya Erickson, Nung lumapit ako sa’yo in the hopes na sana i-manage mo ako, I was very confused at walang direction as an artist. Ang alam ko lang, gusto kong kumita ng pera para sa family ko. Sa first meeting natin, tinanong mo agad ako how I see myself down the line. Wala akong naisagot. To be honest, wala talaga akong nakikita sa future noon. Basta ang alam ko lang, marunong akong kumanta at magsulat ng kanta. So I asked you, ‘Ikaw ba, Kuya, anong nakikita mong puwede kong puntahan?’ And you told me na maaari akong maging young OPM Icon. 😭 Di man lang pumasok sa isip ko na yun ang isasagot mo sa akin kaya nagulantang ang utak ko. Hindi ko siya maarok.😆🥹 We journeyed together sa Cornerstone. You produced so many concerts for me. Na-collab mo pa nga ako sa mga idol ko na sina Bamboo, Gloc-9, Rico Blanco. Ginawan mo pa kami ng concert nila KZ, Ate Kyla, at Angge. Grabe ang investment mo sa amin, Kuya — sa akin. We don’t talk often, o kung meron man, minsan sa kitchen ng office, tapos magtatawanan lang tayo saglit tapos ibang araw na ulit. Pero may mga moments na bigla mo akong kakausapin, biglang may encouragement ka, or advice na specifically kailangan ko at that moment, or ia-affirm mo lang ako na I’m doing alright. 🥹 Those moments remind me of our first meeting. Your voice still remains a solid pillar that I lean on. I have deep trust in you at sa calling mo sa industriyang ito. You have a gift of looking at a rough rock just beside the pavement and seeing that it could turn into something beautiful. At ganun ang ginawa mo sa akin. You saw me, when I was blinded na posible pala ang lahat ng ito. You believed in me noong puno ako ng pagdududa sa sarili ko. 🥹💕 Kuya Erickson, you are my Kuya indeed. You keep on guiding, elevating, and protecting me through your corrections, redirections, and love. Salamat for being by my side sa lahat ng lubak, liko, at arangkada ng career ko! Salamat dahil ikaw ang unang nagbigay ng pamasahe para lumarga ako sa biyaheng ng karera ko. 😭🙏🏼 Hindi kita masusuklian Kuya, pero pangako — palaging gagalingan ko! Mahal kita Kuya Erickson. 💕🥹 -Yenggay
0.0% ERengagement of this clip — above the author's average (0.00%)
top 100%outperforms 0% of the author's clips
27%of the author's average views