PANOORIN: Ang buong talumpati ko para sa mga iskolar ng bayan. Mabuhay ang mga bagong alagad ng media. 🇵🇭 “Magpapatawa at papalakpakan – pero kakalampagin din ang sistema. Gaganap ng iba’t ibang papel sa pelikula – pero magsisilbi ring panimulang puwersa na hahamon sa nakasanayan. Araw-araw kaming maghaharutan sa isang noontime show – pero kailangan ko ring maghatid ng mensaheng gigising sa kamalayan at tutulak sa publiko na mag-isip, makiramdam, kumilos, o kahit man lang magsimula ng diskurso. Kailangan kong magpahiram ng boses sa mga hindi makapagsalita at hindi makasigaw. Upang ang dagitab na nanahan at pinag-apoy sa aking isipan at damdamin ay maipasa ko sa inyo—mga kabataan—para kayo naman ang magsilbing liwanag sa kadiliman na ating patuloy na kinasasadlakan.” #ViceGanda #Sablay2026 #Dagitab2026
16.04% ERengagement of this clip — above the author's average (4.13%)
top 30%outperforms 70% of the author's clips
155%of the author's average views