
Ang salitang “wala kayo sa lola ko” ay totoo sa akin. Mahuhusay ang mga magulang ko sa pagtula at pag render ng speech sa entableado, sa mga on-the-spot poetry and speeches ang aking mga tiyahin, pero minana lamang nila ito sa mas mahusay—ang orig, ika nga. Ang lola kong si Margarita Peñaranda ay tinatawag ng mga kamag-anak na natatanging tumutuntong sa kahon—ibig sabihin ay nagtatalumpati o kaya ay tumutula on the spot to campaign for someone, particularly kay First Commonwealth President Manuel Quezon. Kamag-anak at kababata ng aking lola si Doña Aurora Quezon. Ang kanilang mga magulang ay magpinsang buo. Kaya saksi rin siya sa mga kuwento ng pag-ibig ng dalawa. “Kang Aurora” ang tawag ng lola ko sa kanya. Ang sabi daw ni Quezon sa lola ko ay, “Mahusay kang mag-atab-atab.” Ang ibig pong sabihin noon sa salitang Baler ay magdugtong-dugtong ng mga salita at imahinasyon. Kaya’t nakasisiguro ako na nagmula ang aking inclination sa performing arts mula sa aking mga ninuno at pamilya. Thank you, Mrs. Veny Marzan. Kayo ang unang nagbukas ng ilaw sa daan na aking tatahakin. Kasama na rin si Mrs. Rose Palispis Querijero. Naging scholar ako ng Mass Communication sa aking Alma Mater, ang St. Joseph’s College, at naging aktibo ako sa campus theater kasama ang kaibigan kong si Sonny Lardizabal bilang una kong stage director, at nag-affirm na iyon nga ang tamang landas para sa akin. Sila Bojie Pascua, Avic Ilagan at Rody Vera ang mga una kong guro sa PETA sa labas ng Campus Theater maraming salamat sa inyo. Kay Sonny Lardizabal. Naging scholar din ho ako sa Acting Classes under Eric Morris ang mga guro nila Jack Nicolson, at Johnny Depp, through the Actors Workshop Foundation under the supervision of Laurice Guillen and Leo Martinez. Salamat Tony Mabesa ng Dulaang UP at Tita Bibot Amador ng Repertory Philippines. Naging scholar din ho ako ng Tanghalang Pilipino at naging Theater Company Actor ng CCP, kung saan, bata pa lamang ako, sa Teatro ay isinusulat na ako ni Eugene Asis. Maraming salamat, Eugene. I was able to work with the very notable Theater Director Nonon Padilla, whom I consider my Father in Theater Arts. Sa mga TV commercials ako naging visible sa mainstream. Nung gawin ko ang isang TV ad na “Coffee na lang, Dear,” ito ang nagbukas sa akin ng maraming pinto sa mga stage plays, TV shows, hanggang pelikula. Si Raymond Red ang una kong direktor sa pelikula; kinuha ako ni Douglas Quijano sa Regal bilang kuya ni Richard Gomez. Marami kaming proyektong pinagsamahan ni Mario Delos Reyes; pagkatapos ay kay Gil Portes, then Tita Mids, at Carlos Siguion-Reyna. Maraming salamat sa inyong lahat. Salamat kina Jun Lana, Jerrold Tarog, at Erik Matti. Si Direk Ismael Bernal ay sa teatro ko naging direktor, hindi sa pelikula. Pero ang una ko po talagang appearance sa pelikula ay sa “Bayan Ko: Kapit sa Patalim” ni Lino Brocka, kung saan ay dinaanan lang ako ng camera. Na-edit out pa yata. Maraming salamat sa Regal Films. Sa Reality Films, kay Dondon Monteverde. Tita Jun ng Viva, mahal na mahal ko po kayo. Boss Vic ng Viva. Sa mga kaibigan at mga boss na rin sa TV5, GMA, at ABS. Atty. Annette Gozon. My mentor and professor Roy Iglesias, ganoon na rin si Ricky Lee, na naging guro ko sa pagsusulat. Napakalaking bahagi po noon ng naging malawak kong pag-unawa sa mga karakter na aking binibigyan ng hininga. Salamat po kay Tita Cory Vidanes, Carlo Katigbak, at Mark Lopez. At kay Lauren Dyogi, na aging tagapagtanggol ko, at ngayon po ay manager ko sa Star Magic ANS CBN. Sa aking nakasamang mga aktor at mga tao sa likod ng entablado at pinilakang tabing, maraming-maraming salamat sa inyo. Bahagi po at kasama ko kayo sa lahat ng karangalang aking tinatamo at tatamuhin pa. Maraming-maraming salamat po sa inyo. At maraming-maraming salamat po sa bumubuo ng The Eddys Awards. Mabuhay ang Industriya ng Pelikulang Pilipino. Mabuhay po tayong lahat.
3.88% ERengagement of this clip — below the author's average (10.91%)
top 33%outperforms 67% of the author's clips
3%of the author's average views